Dahil sa Charity

Dahil sa Charity

Habang nasa workstation ako narinig ko ang estudyante na sinasabi niya sa kanyang classmate na kumuha na rin sila ng Estudyante Card. Sabi pa niya "Ako nga nabudol na kumuha ng Card dahil sa Charity eh." Noong narinig ko ito sabi ko sa estudyante, “Talaga po, maam? Dahil sa charity kaya po kayo napakuha ng Card? Hindi dahil sa discount?” Sabi naman niya, “Opo, dahil sa charity. Gusto ko po kasing makatulong talaga sa charity at parati ko po talaga ito ginagamit sa tuwing bumibili ako sa Pandayan.”
Masayang marinig ito sa isang estudyante pa lamang na ang pagtulong sa charity ang dahilan nila sa pagkuha ng Estudyante Card at hindi discount. Karamihan kasi sa aming naaalok ay discount ang tinatanong kapag kukuha sila ng card.